top of page
DWOM Resolusyon ng Sangguniang Panglunso

Puno ng pasasalamat at nang kagalakan ang ipinaabot ng Owner at Station Manager ng himpilang DWOM-FM 105.5, Mr. Honrado "Ding" P. Vega kay Calapan City Vice Mayor Gil Ramirez at sa buong Sangguniang Panlunsod sa ipinakgkaloog nilang napakagandang regalo na isang Resolusyon na naglalaman ng RESOLUTION RECOGNIZING DZOM-AM/DWOM-FM CELEBRATING ITS 50-TH FOUNDING ANNIVERSARY ON AUGUST 14, 2019 AND ACKNOWLEDGING IT AS THE PREMIERE COMMERCIAL BROADCAST STATION IN THE CITY OF CALAPAN AND IN THE PROVINCE OF ORIENTAL MINDORO.  

​

Kinilala ng SP ang himpilang ito na nagbigay serbisyo publiko sa sambayanang Mindoreño sa loob ng limang dekada o 50 taong pagsasahimpapawid ng responsable at balanseng mga balita.  Ang nasabing resoluyon and personal na iginawad ni Vice MayorRamirez kay Mr. Ding Vega at pamilya nito noong araw mismo ng kanilang ika-50 taong anibersaryo sa DWOM-FM compund, Agosto 24, 2019.  

​

Bilang pagbalik tanaw, itinatag and DZOM-AM 1440/1107 KHz noong Agosto 14, 1969 sa pamamagitan ng prangkisa ng Oriental Mindoro Management Resources Corporation (OMARCO)na may karapatang magtayo ng lokal na himpilan mg radyo saan mang panng ng bansa bilang isang commercial broadcast.  At lumipas ang ika-29 na taon noong ika-29 ng Marso 1996 ay iniwan DZOM and mono sound at naging DWOM-FM 105.5 MHz.  

​

Ayon kay Vice Gil, gusto niyang ibigay ang kanyang napakagandang pananaw tungkol sa napakahalagang institusyon ng himpilang pagmamay-ari ni Mr. Ding Vega.  Natatandaan niya na Grade-4 pa lamang siya ng magumpisang umere ang DZOM.  At dahil batang lumaki sa bukid at wala pang kuryente, ay tanging radyo lamang ang aliwan at naririnig niya ang magandang boses ni Mr. Vega.  Mahalaga ang ginagampanang papel ng radyo sa publiko dahi ito ang daluyan nag anunsyo kung may masamang panahon, tagapagabot ng pangyayari sa loob at labas ng bansa, programa ng pamahalaan at nagbibigay kasiyahan sa pamamagitan ng pinapatugtog na magagandang luma at bagong awitin, ayon pa kay Vice Ramirez.  

​

Sinabi pa ng Bise Alkalde na isa sya sa nagmamalaki noong panahong iyon na may istasyon na rin ng radyo sa lalawigan ng Oriental Mindoro, ang DZOM.  Maigting nitong sinabi ng hindi pa man maunlad ang bayan ng Calapan noon ay nandyan na ang DZOM hanggang dumating ang punto na ang Calapan ay kinilala na isa sa maunlad na lungsod ay  nandito pa rin ang DWOM-FM.  Kasama anya ng lungsod ng Calapan ang DWOM sa pagsisikap at kapartner pa rin ito sa kaunlaran.  

​

Sa pangwakas na pananalita ni Vice Gil, maigting na sinabi nito na binabati niya ang buong pamilya ng VEGA na may pagpapahalag sa kontribusyon ng himpilang ito sa buhay ng mamamayang Calapeño at buong probnsya ng Oriental Mindoro.   

© 2023 by HPV AC&E

  • Facebook - Grey Circle
  • Twitter - Grey Circle
  • Instagram - Grey Circle
  • YouTube - Grey Circle
  • LinkedIn - Grey Circle
  • Vimeo - Grey Circle
bottom of page